So kamusta naman yung mga laging nagsisigaw ng "Proud to be Pinoy" dati?
Yun mga taong huwag lang makarinig ng balita tungkol sa mga "Pinoy" na nababanggit sa abroad eh parang ta-tumbling sa excitement. Yung mga laging naka-three-stars-and-a-sun, yung mga halos makipagpatayan kapag sa tingin nila eh nababastos ang Pilipinas sa ibang bansa.
Asan kayo?
Sa Facebook ngayon, ang uso, pagtatatwa sa Pilipinas. "Buti na lang hindi ako mukhang Pinoy, at least makaka-shopping pa ko sa Hong Kong". "Magkukunwari na lang akong Indian". "Salamat naman, 1/4 Pinoy lang ako".
Ang bilis magpalit ng kulay.
Asan na yung "proud to be Pinoy"? Asan na yung pagiging makabayan? Yung handang makipagpatayan sa mga kolumnistang sarkastiko magsulat?
Mukhang natahimik na sila.
Hindi ko sinasabing maging masaya tayo at proud sa ginawa ni Mr. Hostage Taker. Obviously hindi ganun ang ibig kong sabihin. Ang sinasabi ko lang, lintik naman huwag namang traydor.
Ang bilis mag-iba ng anyo, eh. Kapag panalo si Pacquiao, awoo Pinoy ako! Kapag ganitong pahiya tayo sa mundo, tameme. "Hindi ako Pinoy, ewan ko diyan sa mga yan".
Kasi nga naman, sayang yung opportunity na mag-shopping sa Hong Kong.
Pero ganun yata talaga.
Kapag mababaw ang pinaghuhugutan, madaling mawala ang pagiging "makabayan".
cross-posted from Tumblr
No comments:
Post a Comment